Privacy at Mga Tuntunin
Privacy at Mga Tuntunin

Patakaran sa Ipinagbabawal na Paggamit ng Generative AI

Huling Binago: Disyembre 17, 2024

Makakatulong sa iyo ang mga modelo ng Generative AI na mag-explore, matuto, at gumawa. Inaasahan naming makikipag-ugnayan ka sa mga ito sa isang responsable, legal, at ligtas na paraan. Nalalapat ang mga sumusunod na paghihigpit sa iyong mga pakikipag-ugnayan sa generative AI sa mga produkto at serbisyo ng Google na tumutukoy sa patakarang ito.

  1. Huwag magsagawa ng mapanganib o ilegal na aktibidad, o lumabag sa mga naaangkop na batas o regulasyon. Kasama rito ang pagbuo o pag-distribute ng content na:
    1. Nauugnay sa sekswal na pang-aabuso o pananamantala sa bata.
    2. Pag-facilitate o pagpapadali sa marahas na extremism o terorismo.
    3. Pag-facilitate o pagpapadali sa koleksyon ng di-konsensuwal at intimate na imahe (non-consensual intimate imagery o NCII).
    4. Pag-facilitate o pagpapadali sa pananakit sa sarili.
    5. Pag-facilitate o pagpapadali sa mga ilegal na aktibidad o paglabag sa batas -- halimbawa, pagbibigay ng mga tagubilin para sa pag-synthesize o pag-access sa mga ilegal o kontroladong substance, produkto, o serbisyo.
    6. Lumalabag sa mga karapatan ng iba, kabilang ang mga karapatan sa privacy at intellectual property -- halimbawa, paggamit ng personal na data o biometrics nang walang legal na kinakailangang pahintulot.
    7. Sumusubaybay o sinusubaybayan ang mga tao nang walang pahintulot nila.
    8. Gumagawa ng mga naka-automate na desisyong may materyal na nakapipinsalang epekto sa mga indibidwal na karapatan nang walang pangangasiwa ng tao sa mga domain na may mataas na panganib -- halimbawa, sa trabaho, pangangalagang pangkalusugan, pananalapi, legal, pabahay, insurance, o social welfare.
  2. Huwag ikompromiso ang seguridad ng iba o mga serbisyo ng Google. Kasama rito ang pagbuo o pag-distribute ng content na maaaring mag-facilitate o magpapadali sa:
    1. Spam, phishing, o malware.
    2. Pang-aabuso, pinsala, panghihimasok, o paggambala sa imprastraktura o serbisyo ng Google o ng iba.
    3. Paglusot sa mga proteksyon sa pang-aabuso o mga pangkaligtasang filter -- halimbawa, pagmamanipula sa modelo para labagin ang aming mga patakaran.
  3. Huwag magsagawa ng tahasang sekswal, marahas, mapoot, o mapaminsalang aktibidad. Kasama rito ang pagbuo o pag-distribute ng content na maaaring mag-facilitate o magpadali sa:
    1. Poot o mapoot na salita o "hatred or hate speech".
    2. Panliligalig o harassment, pambu-bully, pananakot, pang-aabuso, o pang-iinsulto sa iba.
    3. Karahasan o pag-uudyok ng karahasan.
    4. Explicit na sekswal na content -- halimbawa, content na ginawa para sa pornograpiya o sekswal na kasiyahan.
  4. Huwag masangkot sa pagpapalaganap ng maling impormasyon, misrepresentasyon, o mapanlinlang na aktibidad. Kabilang dito ang
    1. Mga panloloko, scam, o iba pang mapanlinlang na pagkilos.
    2. Panggagaya ng isang indibidwal (buhay man o hindi) nang walang tahasang paghahayag, para makapanloko.
    3. Pag-facilitate o pagpapadali sa nakakapanlinlang na claim ng kadalubhasaan o kakayahan sa mga sensitibong larangan -- halimbawa, kalusugan, pananalapi, mga serbisyo ng pamahalaan, o sa batas, para makapanloko.
    4. Pag-facilitate o pagpapadali sa mga nakakapanlinlang na claim na may kaugnayan sa mga proseso ng pamahalaan o demokratikong proseso o mapaminsalang gawi sa kalusugan, para makapanloko.
    5. Misrepresentasyon ng pinagmulan ng binuong content sa pamamagitan ng pagsasabing tao lang ang gumawa nito, para makapanlinlang.

Posibleng gumawa kami ng mga pagbubukod o mga "exception" sa mga patakarang ito batay sa mga pagsasaalang-alang o kunsiderasyong pang-edukasyon, pang-dokumentaryo, pangsiyensya, o pangsining, o sa mga pagkakataong mas nakahihigit ang mga posibleng benepisyo sa publiko kaysa sa mga posibleng pinsala.
Magbubukas sa bagong tab(magbubukas ng footnote)
  • Afrikaans
  • Bahasa Indonesia
  • Bahasa Melayu
  • Català
  • Čeština
  • Dansk
  • Deutsch
  • Eesti
  • English
  • English (India)
  • English (United Kingdom)
  • Español
  • Español (Latinoamérica)
  • Euskara
  • Filipino
  • Français
  • Français (Canada)
  • Gaeilge
  • Galego
  • Hrvatski
  • Isizulu
  • Íslenska
  • Italiano
  • Kiswahili
  • Latviešu
  • Lietuvių
  • Magyar
  • Malti
  • Nederlands
  • Norsk
  • Polski
  • Português (Brasil)
  • Português (Portugal)
  • Română
  • Slovenčina
  • Slovenščina
  • Srpski
  • Suomi
  • Svenska
  • Tiếng Việt
  • Türkçe
  • অসমীয়া
  • Ελληνικά
  • Български
  • ଓଡିଆ
  • Русский
  • Српски
  • Українська
  • ‫עברית‬
  • ‫اردو‬
  • ‫العربية‬
  • ‫فارسی‬
  • አማርኛ
  • मराठी
  • हिन्दी
  • বাংলা
  • ગુજરાતી
  • தமிழ்
  • తెలుగు
  • ಕನ್ನಡ
  • മലയാളം
  • ไทย
  • 한국어
  • 中文 (香港)
  • 中文(简体中文)
  • 中文(繁體中文)
  • 日本語
Mga app ng Google
Pangunahing menu